January 31, 2023

Juan Kabayan

All the News All the Time

Bakit Mahalaga Ang Wika? Alamin Ang Mga Kahalagahan Ng Wika

BAKIT MAHALAGA ANG WIKA – Mahalaga ang wika sa iba’t ibang aspeto tulad ng lipunan at kultura at ito ang iba pang mga dahilan.

Ang wika ang kaluluwa ng kultura at ito ang nagsisilbing tulay ng mga tao upang magkaintindihan at magkaunawaan. Ito ang nag-uugat ng pagkakaisa ng mga taong naninirahan sa isang pamayanan o isang bansa. Alamin ang iba pang mga dahilan kung bakit ito mahalaga.

Kahalagahan Ng Wika Sa Lipunan – Bakit Mahalaga Ang Wika

Ano ang mga kahalagahan ng wika sa lipunan? Bakit ito mahalaga?

KAHALAGAHAN NG WIKA SA LIPUNAN – Bakit mahalaga ang isang wika sa lipunan at anu-ano ng mga kadahilanang ito.

Ang wika isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit ng tao araw-araw. Ito ay lipon ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas para mabahagi natin ang ating damdamin, mga naisip, at ideya. Bawat bansa ay may kanya-kanyang wika at sa Pilipinas, ang walong pangunahing wika ng mga Pilipino ay Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray at ang pambansang wika ay Filipino.

Maraming kagamitan ang wika. Una ay ang pagpapalitan ng impormasyon, pangalawa ay ang pagpapahayag, at pangatlo ay ang pagpapaunawa. Dahil sa wika, ang mga tao ay nagkakaintindihan at wika ang nagbubunga kung bakit tayo ngayon ay nagkakaisa at naging maunlad.

Ito rin ay nagsisilbing salamin ng kultura, kasaysayan, at pagpapahalaga ng isang bansa. Kalaunan, naging paksa na rin ang wika ng pag-aaral. Ang wika ay mahalaga sa maraming aspeto tulad ng edukasyon, pamahalaan, media, at pang-araw-araw na buhay. Dahil dito, ang ating kultura ay napapanatili, napapayabong, at napapalaganap.

Sa puntong ito, bakit mahalaga ang wika sa lipunan?

Ito ang ilan sa mga dahilan:

upang maipahayag ng klaro ang iba’t ibang adbokasiya at pangangailanganpara sa malayang pamamahayag upang ipaalam sa mga tao ang mga katiwalian, pagwawasto ng mga kamalian, at paggawa ng isang aksiyon para isang problemaang mga simpleng mga mamayan ay nabibigyan ng tinig sa pamamagitan ng medya at pamamahayag upang ipalabas ang kanilang saloobin at mga nalalaman

Kung walang wika, hindi tayo makakapag0usap, magkaka-intindihan, at walang magagamit na pantawag sa ating mga tradisyon at kalinangan, paniniwala, pamahiin, at sa iba pang bagay na bahagi ng ating pamumuhay at kultura.

READ ALSO:

For more news and updates, follow us on Twitter:@philnews_ph Facebook:@PhilNews and; YouTube channel Philnews Ph.