January 29, 2023

Juan Kabayan

All the News All the Time

Karunungang Bayan Halimbawa (Mga Halimbawa At Kahulugan)

KARUNUNGANG BAYAN HALIMBAWA – Alamin ang iba’t ibang mga halimbawa ng karunungang bayan na bahagi ng ating kultura.

Ang mga karunungang bayan ay isang sangay ng panitikan na bahagi na ng ating kultura bago pa man tayo masakop ng mga dayuhan. Ito ay tanyag bilang ito ay nagbibigay ng dunong, aral, at kaisipan sa mga mambabasa.

Halimbawa Ng Karunungang Bayan: Kahulugan At Mga Halimbawa

Ano Ang Karunungang Bayan At Halimbawa Nito

HALIMBAWA NG KARUNUNGANG BAYAN – Una sa alahat, aalamin muna natin kung ano nga ba ang karunungang bayan.

Noong unang panahon, ang mga tao ay mayroon ng panitikan na nagpapahayag ng mga damdamin at karanasan tungkol sa iba’t ibang bagay sa mundo.

Mayroog ibat-ibang uri ng panitikan isa sa mga ito ang karunungang bayan.

Heto ang mga halimbawa ng Karunungang Bayan:

BugtongIsa sa mga larong ito ay ang bugtong-bugtong o kung tawagin sa Ingles ay “riddles”. Ito ay mga palaisipan na ang mananalo o makakakuha ng premyo ay ang makakahula ng palaisipan. SalawikainAng salawikain o kasabihan, o kilala rin sa Ingles na Proverba, ay ang simple, konkreto, at tradisyunal na kasabihan na nagpapahayag ng katotohanan na base sa sentido komun o karanasan. Ito ay kadalasang dinadaan sa talinhaga. IdyomaAng idyoma ay isang matalinhagang pagpapahayag ng isang ideya. Malayo ito sa komposisyonal na paliwanag ng isang ideya kung kaya’t ito ay itinuturing na hindi tuwirang pagbibigay kahulugan.KasabihanAng mga kasabihan ay nagbibigay ng payo at nagsasaad ng katotohanan ukol sa mga pang araw-araw natin na mga gawain, kilos, o disisyon sa buhay.PalaisipanIto ay isang tanong o pangungusap na may natatanging sagot na iba sa karaniwan.

Ang Karunungang bayan ay parte ng panitikan kung saan nagbibigay daan ito para maipahayag ang mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.

Bago paman ang Pilipinas sinakop ng mga kastila, mayaman na tayo sa karunungang bayan kaya dapat itong bigyan ng halaga. Dahil ito ay parte na ng ating kultura.

BASAHRIN RIN: Kilos Loob: Ang Kahulugan Nito At Mga Halimbawa